May mga kathang isip na panitikang madalas gamitin sa pagkukwento sapagkat ito'y nagbibigay ng magandang halimbawa at aral. Ang isang pabula na kung saan ang mga hayop at mga walang buhay na bagay ang gumaganap na tauhan.
Ito ba'y lubos na nakatutulong sa magandang pag-uugali ng mga batang mambabasa?
Mas naibibigay ba nito ang magandang mensahe ng isang panitikan kapag ginamit ang mga hayop sa kwento?. Bilang mga batang mambabasa, mas naiintindihan nila ang nais iparating na mensahe or aral habang sila ay nalilibang sa pagbabasa. Mas kaaya-ayang basahin sa kanila ang mga ito tulad na lang ng isang pabula ng aso at leon.
Sa pabulang ito, ang Aso ay napakabayang na hayop. Sa kanilang lugar siya ay kinatatakutan lalo na kapag nilalakasan niya ang kanyang pagtahol. Nanginginig sa takot sila Pusa, Bibe, Manok, Pabo, Kambing at Baboy-Damo sa kanya. Hindi nila alam ang gagawin para lang makapagtago sa kanya. Tuwang-tuwa pa nga si Aso kapag alam nyang takot na takot ang mga ito sa kanya. Dahil sa sobrang kayabangan niya ay nagpunta sya sa kagubatan. Sinundan niya si Leon upang ito'y takutin at hamunin. Habang nasa likod siya ay tumahol ito ng napakalakas at siya'y narinig ni Leon. Dahil dito ay nainis si Leon at nilundagaan siya. Pinagsasakmal ng Hari ng Kagubatan ang Hari ng Kayabangan buti na lamang ay inawat ni Tigre at Gorilya ang Haring Leon.. Nang mahimasmasan ang Hari ng Kayabangan ay agad siyang yumukod at nagbigay-galang sa Hari ng Kagubatan.
Huwag isiping talunin ang iginagalang dahil baka ikaw ay labanan at umuwi kang talunan.