Thursday, February 16, 2012

ANG ALAMAT NG BAYABAS


ANG ALAMAT NG BAYABAS

     Ang alamat ay nagkukwento ng pinagmulan ng isang bagay. Nakalilibang itong basahin sapag ito'y nagbibigay impormasyon at aral mula sa alamat lalo na sa mga batang mag-aaral. Isang napakagandang alamat ang pumukaw sa aking atensyon upang gawing halimbawa para sa mga bata at ito ay ang alamat ng bayabas.
     Narito ang maikling salaysay mula sa alamat ng bayas.
     Noong unang panahon, may isang sakim at mapagmataas na hari. Si Haring Barabas ay walang pakialam sa kanyang mga nasasakupan. Wala siyang ibang ginawa kundi ang utusan ang kanyang mga alipin. Tuwing may mga handaan ay sobra syang maghanda. Kahit na may mga natirang pagkain ay hindi sya namimigay kahit na alam niyang maraming nangangailangan. Isang araw habang nagpipyesta ang hari ay may lumapit na isang pulubi ang lumapit sa kanya at humingi ng pagkain. Sa halip na bigyan ay pinalayas niya ito. Nagalit ang pulubi sa kanya at nagsabi na bibigyan siya ng leksiyon. Bigla na lng naglaho ang hari at lumitaw ang isang halaman. Napansin ng mga tao na nagbunga ito. Ito ay bilugan at may koronang nakapatong. at ito na ang ang kanilang sakim na hari. Mula noon ay tinawag na nila itong bayabas.
     Sa alamat na ito ay nagbigay ng isang magandang aral sa pangit na pag-uugali ng hari. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang makuha ang gusto. Hindi sya naging magandang halimbawa ng tao at ng kahit ng pamumuno sa kanyang mga nasasakupan. Bilang tao dapat tayong magmalasakit sa mga taong nakapaligid natin at kailangan nating magpakita ng mabuting pag-uugali. Hindi maganda ang maging isang sakim. Sa atin namang gobyerno, dapat din isalang-alang ang maayos na pamumuno. May mga opisyales na dapat gampanan ang kanilang mga tungkulin.


4 comments: